James Yap, masayang nag-reconnect sila ng anak na si Bimby

Masaya si James Yap nang magkausap muli sila ng anak na si Bimby matapos ang halos isang dekada.

Sabi ni Yap, ang kanilang ‘renewed relationship’ ang ‘best Father’s day gift ever’.

“I’m super happy to hear from Bimb after eight years. I’ve been praying for this day to come. Na-miss ko sobra si Bimb,” sabi ni James sa isang panayam.

Read More:  Wilbert Ross shuts down rumors linking him to designer Paul Cabral: ‘Jusko, lahat na lang’

Matatandaang sa isang Instagram post, nabanggit ni Kris ang tungkol sa relasyon ng mag-ama.

“No names shall be named but it will be easy for you to figure out. Maraming pinagdaanan, maraming hindi pagkakaunawaan pero ayokong masabi na pinipigilan ko si Bimb,” sabi ni Kris sa kanyang post.

Read More:  MMFF 2026 completes official eight-film lineup with final four entries

Si Kris at James ay ikinasal noong 2005, matapos ang dalawang taon , isinilang si Bimby at sumailalim marriage annulment noong 2012.//AC