Tiniyak ni US President Joe Biden na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para matulungang bumangon ang Kentucky na labis na hinagupit ng serye ng ipo-ipo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Biden na lahat sila ay Amerikano at tatayo sila nang sabay-sabay bilang pagpapatunay ng pangalan ng kanilang bansa na United States of America.

Sinabi ni Biden na ibibigay nila ang lahat ng kailangan ng mga kababayang naapektuhan.
Tiniyak ni Biden na tulad ng palagi nilang ginagawa ay agad na mararamdaman ang tulong para mas mapabilis ang pagbangon ng mga nasalanta.
Nagpaabot din ng pakikidalamhati si Biden sa mga nawalan ng mahal sa buhay na aniya ay hindi niya ma-imagine kung ano ang nararamdamang sakit.
Siniguro pa ni Biden na kaisa siya ng mag rescuers habang tiniyak niyang tuloy-tuloy ang gagawing operasyon hanggang sa matapos ang lahat ng mga dapat na maayos.