US Abrams Battle tanks, dumating na sa Ukraine

Kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na natanggap na ng kanilang army ang delivery ng US Abrams battle tanks upang mapalas ang pwersa ng Kyiv laban sa Russia.

Inihitid nito ni Defence Minister Rustem Umerov sa Ukraine at kasalukuyan ng hinahanda ang pagpapalakas ng kanilang brigada.

Hindi idinetalye ni Zelensky kung gaano karaming tangke ang dumating sa bansa, o kung gaano katagal bago mai-deploy ang mga ito sa front line. Ngunit ayon sa ipinangako ng Washington, magbibigay ito ng 31 Abrams na tangke sa Kyiv na bahagi ng $43 bilyon na tulong sa seguridad na ipinangako ng Amerika sa nakalipas na 18 buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *