LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Albay Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) ang bago at updated na Local Investment and Incentive Code (LIIC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.
Ayon kay LEDIPO head na si Jaymee Florence Ribaya, mayroon nang sariling LIIC na isinumite noong 2019 at sa katunayan ay nagkaroon ito ng update noong nakaraang Marso ngayong taon.
Nangako naman ang opisina magsusumite ng pinal na kopya ng bagong LIIC sa Sanggunian Panlalawigan ng Albay (SPA) para sa pinal na consideration, amendment at approval for implementation.
Dumalo naman ang LEDIPO sa kakatapos lang na pagsasanay na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Investments (BOI) kung saan inihayag ni Ribaya ang bagong LIIC ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.