UP muling nagkampeon sa UAAP men’s basketball matapos ang 36 na taon

Muling naghari sa UAAP men’s basketball ang University of the Philippines Fighting Maroons, matapos ang 36 na taong paghihintay.

Kaugnay nito, nakagawa ng kasaysayan ang Fighting Maroons nang talunin nila sa Game 3 ng UAAP Season 84 nitong Biyernes ang Blue Eagles na Ateneo de Manila University, sa iskor na 72-69 sa overtime.

Kasabay nito, binigo rin ng UP squad ang Ateneo team na muling maka-four-peat.

Nabatid na tanging ang UP ang nakatalo sa Ateneo sa elimination round at hinid na nakaakyat sa step ladder Final Four.