Incentive/assistance ibibigay ng Balanga CHO sa mga magpapaturok ng 1st dose o 1st booster shot na 18yrs. Old pataas

Magbibigay ng incentive/assistance ang lokal na pamahalaan ng Balanga City, Bataan para sa mga residente ng lungsod magpapaturok ng 1st dose o kaya 1st booster shot na 18-taong gulang pataas kontra corona virus disease.

Ito ay para mapanatili ang mababang kaso ng covid-19 sa lungsod at maiwasang kumalat muli ang virus.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon sa CHO, ang mga may edad 18 pataas lamang ang maaring mabigyan ng incentive/assistance na mababakunahan ng 1st dose o booster shots na sinimulan noong Mayo 12 na magtatagal ng hanggang ngayong araw, may 14.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Samantala, ito ay para sa mga magpapabakuna sa Waltermart-Balanga at sa mga Balanga City Health Centers ng San Jose, Pto Rivas Itaas, Cupang Proper, at Villa Lina.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Kati sa lalamunan Power Cells Salabat Herba Ginger Brew Sakit ng ulo Sipon Ubo SHOP Lazada Lazo Power Cells Salabat Hex Salabat! Mag Power Cells Isang sachet a day, tiyak ginhawa ang dala, all day! w.a www.powercells.ph'