Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na itaas ang suggested retail price (SRP) sa 82 basic necessities at prime commodities.
Ayon sa DTI, ito umano ay sa mahal ng presyo ng ilang major raw materials at ang pagtaas sa presyo ng lana.

Kabilang sa mga produkto na may mataas nang SRP ay ang mga drinking water sa bote at containers, canned fish, processed at canned pork, processed at canned beef, processed milk, vinegar, soy sauce, at fish sauce o patis.
Maliban dito, kasama rin ang locally manufactured instant noodles, coffee, salt, laundry soap, detergent, candles, flour, toilet soap, at batteries.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng DTI sa publiko na ang lahat ng increases sa SRPs ay pasok sa minimum level para magbigay sa mga consumers ng reasonably priced goods sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, na ang presyo ng 71 mula sa 82 produkto ay inadjust ng 2% hanggang 10%, pero ang naturang increases umano ay less than sa global price movement ng raw materials.