Unwanted pregnancy pinag-usapan sa Youth Adolescent Congress 2022 sa San Jose, Camarines Sur

NAGA CITY –Dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng San Jose, Camarines Sur, naging kalahok sa isinagawang Youth Adolescent Congress 2022 na pinangunahan ng San Jose Municipal Health Office.

Kung saan isa sa naging prayoridad na pinag-usapan o ibinahagi sa mga kabataan ang teenage o unwanted pregnancy lalo na sa panahon ngayon kahit na mababa ang kaso ng early teenage pregnancy sa bayan. Maging mga Mental Illness, Drug Awareness, Reproductive Health Awareness, Healthy Lifestyle and Nutrition, at Immunization for Adolescent Awareness ay tinalakay din.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa panayam kay Dr. Arnel Armea, MHO Officer, sinabi nitong importanteng malaman at maintindihan ng mga kabataan na kung ano ang papel nila sa komunidad, sa kanilang mga paaralan, maging sa kanilang mga pamilya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Gabay din ito at mga paalala kung ano ang mga dapat nilang iwasan o hindi dapat na gawin lalo na pagdating sa maagang pagbubuntis at pagkakasangkot sa mga ilegal na droga.