Albay, pangalawa sa may pinakamalaking halaga ng shabu na nasamsam sa 10 araw na operasyon ng PNP Bicol laban sa iligal na droga

Umabot sa mahigit P700,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa ikinasang sampung araw na operasyon laban sa iligal na droga sa lalawigan ng Albay.

Batay sa datos mula sa PNP Bicol, pumapangalawa ang nasabing lalawigan sa Naga City na umabot sa mahigit isang milyumpisong halaga; pangatlo naman dito ang Camarines Norte na may aabot sa kalahating milyumpiso; sumunod ang Camarines Sur na may mahigit tatlong libumpiso; Masbate na may mahigit dalawang daang libumpiso, at pinakamababa naman sa Sorsogon na umabot sa tatlumpu’t dalawang libumpiso.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case
Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa kabuuhan, aabot sa dalawang milyumpisong halaga ng iligal na droga ang narekober ng PNP Bicol sa nasabing operasyon.

Ayon sa tanggapan, maliban sa kanilang mga operasyon ay mas pinapalakas nila ang kanila v kampanya tungkol sa drug awareness sa pamamagitan ng information dissemination at social mediia postings