Mahigit 100 benipisyaryo sa Daraga, sumailalim sa seminar patungkol sa free range chicken farming

Nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa tulong ng Municipal Agricultural Services Office (MASO) ng isang seminar patungkol sa free range chicken farming.

Ayon sa nasabing opisina, umabot sa 150 mga benipisyaryo ang dumalo sa nasabing aktibidad na mula sa iba’t ibang sektor tulad ng SOLO parents, women, persons with disabilities (PWD), empowered and re-affirmation of parental abilities (ERPAT), parents of street children at mga farmers na mula sa Brgy. Gabawan, San Vicente Pequeño, Kidaco, Burgos, Busay, Malobago, Bongalon, Villahermosa, Bañag, Kinawitan, Panda, Miisi, Bañadero, Tagas, Mayon, San Ramon at Tabon-tabon.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa naging panauhin pandangal, si Peter Encisa bilang guest speaker, itinuro nito kung paano nagsimula sa negosyong free range chicken farming, mga gamit na pangangailangan, tamang pag-aalaga ng mga free range chickens at mga techniques kung paano paparamihin ang mga inaalagang hayop.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kasama rin sa nasabing seminar si Municipal Agriculturist Meljie Matociños at Mayor Awin Baldo.

Sa mensahe ni Mayor Baldo, sinabi nito na mas marami pang livelihood programs ang inaasahan sa mga magsasaka na tutulong sa kanilang pagbuhay-buhay.

Ang mga benepisyaryo makakatanggap ng limang free range chicken na apat na babae at isang lalaking manok at feeds para makapagsimula ng sariling free range chicken farming business.