Unveiling ng historical marker ng “parola ng san bernardino” sa bayan ng bulusan isinagawa

Isinagawa noong nakatalikod na araw ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP ang unveiling ng historical marker ng “PAROLA NG SAN BERNARDINO”.

Ang unveiling ng marker ay pinangunahan ni NHCP Chairman Dr. Emmanuel Franco Calairo at Bulusan Mayor Michael Guysayko, gayundin nina Diocese of Sorsogon Bishop Most Rev. Jose Allan V. Dialogo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pinirmahan din nina Chairman Calairo at Mayor Guysayko ang certificate of turn over kasama sina NHCP Finance and Administration Division Chief Ms. Rosario Sapitan at Bulusan Vice-Mayor Weenie Romano bilang mga testigo.

Ang unveiling ay ginawa sa Punta Diamante, Bulusan, Sorsogon na kamakailan ay ni-restore at na-turn over na. Ang marker ay ilalagay sa San Bernardino Lighthouse sa lalong madaling panahon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang NHCP ay ang pambansang ahensya ng pamahalaan na inatasang itaguyod at pangalagaan ang makasaysayang pamana ng Pilipinas sa pamamagitan ng pananaliksik at paglalathala, pag-iingat, pagmamarka ng mga makasaysayang pook at istruktura, at pangangasiwa ng mga pambansang dambana at museo.