UniTeam, nangunguna pa rin sa OCTA survey

Apat na araw bago ang halalan, nangunguna pa rin ang UniTeam o ang tambalang Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte sa survey ng OCTA Research.

Sa ipinalabas na ‘Tugon ng Masa Survey’, 58% ng mga Pilipino ang nagsasabing iboboto nila si BBM.

Mas mataas ito ng isang por siyento sa survey ng OCTA noong nakaraang buwan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sumunod naman si Vice President Leni RObredo na mayroong 25% preference – 3% na mas mataas sa previous survey ng OCTA.

Bumaba naman ng 1% si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 8%; Senador Manny Pacquiao na mayroong 7%; at Senador Ping Lacson na mayroong 2%.

Samantala, 56% naman ang nakuha ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa vice presidential race.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

1% ito na mas mababa sa nakaraang survey ng OCTA.

Sumunod si Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 22%; Senador Kiko Pangilinan na may 16%; Doc Willie Ong sa 4%; at House Deputy Speaker Lito Atienza na mayroong 1%.

Isinagawa ang survey mula April 22 hanggang 25 sa 2,400 respondents at ±2% margin of error.
#