UniTeam – intact pa rin – PBBM

Hindi nagbago ang relasyon nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Sagot ito ni Pangulong Marcos matapos matanong ng media sa sidelines ng state visit nito sa bansang Vietnam, hinggil sa estado ng relasyon nila ngayon ng ikalawang Pangulo.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kasunod na rin ito ng mga banat sa kanya ng pamilya ni VP Sara.

Ayon sa Pangulo, tulad pa rin ng dati ang relasyon nila ni VP Sara, sapagkat wala naman itong sinasabi laban sa kanya.

Mananatili rin anyang kalihim ng Department of Education ang Bise Presidente dahil buo pa ang kanyang trust at confidence sa opisyal.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nilinaw rin nitong intact pa ang UniTeam nila ni VP Sara, lalo pa’t hindi lang naman daw isa, dalawa o tatlong partido ang uniteam, kundi pagkakaisa ng lahat ng political forces para sa ikabubuti ng bansa.