Nais paimbestigahan ni Zamboanga Sibugay 1st District Rep. Wilter Palma sa Kamara ang umano’y kabiguan ng mga Cabinet secretaries na punan ang mga bakanteng plantilla position sa kani-kanilang mga departamento.
Sa inihaing House Resolution No. 543 ng mambabatas, ipinunto nito na bahagi ng isang executive department ang pagkakaroon ng sapat na personnel para sa iba’t-ibang trabaho at posisyon.


Aniya, mahalaga ang presensya ng bawat personnel sa kada departmento upang masiguro na nakapagbibigay sila ng magandang serbisyo sa publiko.
Sa kabila nito, sinabi ni Palma na sa kasulukuyan, marami pa ring vacant position sa iba’t-ibang government agencies.
Kung kaya’t para sa kanya, dapat itong maibestigahan at mapagpaliwanag ang mga cabinet secretaries kung bakit napakarami pa ring unfilled positions.
Nabatid na batay sa report ng Department of Budget and Management (DBM), nasa 169,688 ang unfilled positions sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaang nasyunal.
#
