Mahigit 200 IPs, nailigtas ng DSWD sa NCR

Nasa 200 indigenous peoples ang nailigtas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Metro Manila.

Sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay, mahigit 60 Badjao ang nakauwi na sa probinsiya habang 20 pamilya ang pansamantalang naninirahan sa Jose Fabella Center.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang mga nailigtas ng DSWD ay ang mga miyembro ng IP communities sa Makati, Muntinlupa, Manila, at Pasay.

Sinabi ni Punay na sinagot nila ang transportation cost ng mga pinauwing IPs at nagbigay rin ng cash assistance sa mga pamilya na nagkakahalaga ng sampung libong piso.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Isinulong na rin ng ahensiya ang pagbibigay ng special project para sa birth registration at pagbigay ng ng identification IDs o identification documents sa IP communities para maka-access ang mga ito sa mga programa ng gobyerno at hindi na bumalik pa sa Metro Manila para mamalimos.
#