DENR, inatasang palakasin ang regulatory powers para sa small at large-scale mining

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mas palakasin pa ang kanilang mga regulatory powers para sa mga small at large-scale mining sa bansa.

Ito ay upang masiguro na sumusunod sa standards at sa safety and health programs para sa kanilang mga empleyado ang mga mining firms sa Pilipinas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ginawa ng Pangulo ang kautusan kasabay ng naging pulong kanina kasama ang mga opisyal ng DENR sa Malacañang.

Ayon kay Pangulong Marcos, nais niyang ma-legalize ang mga small-scale mining firms lalo pa’t marami talaga sa kanila ang illegal, kaya walang protection ang mga minero.

Bukod dito, dapat din aniyang palakasin ang regulatory framework para makapag-operate sila ng legal, upang mabigyan ang mga minero ng assistance at proteksyon para sa ligtas nilang pagtatrabaho.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Nabatid na ilang panukalang batas ang sinertipikahang urgent ni Pangulong Marcos kasama ang pag-amyenda sa Republic Act 7076 na layong i-incentivize ang small-scale mining (SSM) at makapagbigay ng social assistance, labor protection at government assistance programs sa mga minero.
#