Unemployment rate sa Pilipinas bumaba sa 3.73M noong Mayo – PSA

Nabawasan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho nitong Mayo ayon sa Philippine Statistics Authority.

Inihayag ni National Statistician Dennis Mapa mula 4.14 -million na bilang ng mga wala trabaho noong Abril bumaba ito sa 3.73-million o katumbas ng 7.7 unemployment rate sa sumunod na buwan.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Napag-alaman din mula kay Mapa na naitala noong Mayo ang 5.49-M underemployed Filipinos, mas mababa kumpara sa mga naitalang bilang noong March at April.

Ang mga Underemployed individuals ay tinukoy bilang mga manggagawa na naghahangad ng mas mahabang oras at mas magandang oportunidad sa trabaho.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ang nabanggit na bilang ay katumbas sa 12.3% underemployment rate.

Nabatid na tumaas ang bilang ng mga walang trabaho simula noong nakaraang taon dahil sa mga ipinatupad na quarantine restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.