Underweight at stunting sa mga bata sa Sorsogon bumaba                                                                                                                                                                     

SORSOGON CITY – Bumaba ang mga kaso ng underweight at stunting prevalence sa lalawigan sa unang quarter ng taon, ito ang kinumpirma ni Provincial Nutrition Council Provincial Nutritionist Grace Jardin nang makapanayam ng Brigada News.

Batay sa resulta ng katatapos lamang na ‘Operation Timbang Plus’ na sumasaklaw mula buwan ng Enero hanggang Marso noong 2021, nakapagtala ang lalawigan ng 6.75% na mga batang underweight subalit bumaba ito ngayong first quarter ng kasalukuyang taon sa 6.12%.  

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Mula naman sa 3.56% na naitala noong nakaraang taon na mga batang wasted o sobrang payat ay bumagsak ito sa 3. 37% ngayong taon.

Bumaba naman sa 11.15 % ang mga naitalang stunted mula sa dating 13.07% noong nakaraang taon.

Ang Operation Timbang Plus ay sumasaklaw sa mga batang zero hanggang 5 months old o mga batang wala pang limang taong gulang.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Ang Operation Timbang Plus ay isang sistema sa antas ng barangay na nagbibigay ng impormasyon sa kawalan ng pagkain, sa pamamagitan ng pagsubaybay sa paglaganap ng malnutrisyon sa mga mahihinang bata sa komunidad.

Ang stunting naman ay ginagamit na basehan ng nutrition situation sa bansa dahil isa itong chronic form ng malnutrition na maaaring magsimula sa pagbubuntis at may epekto sa physical at mental development ng mga bata.