56th Cityhood ng Olongapo ipinagdiriwang ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Olongapo ang 56th year Cityhood nito o 56 na taon na pagiging syudad ng Olongapo.

Kaninang umaga ay nagkaroon nang maikling programa sa gusaling panlungsod sa pangunguna ni Mayor Rolen Paulino Jr.

Read More:  DepEd assures psychosocial support after Ateneo de Zamboanga shooting

Sa maikling mensahe ni Paulino, ibinahagi nito ang naging magandang epekto sa Olongapo nang ideklara itong syudad mula noong June 1, 1966 kung saan mas maraming proyketo ang nagawa.

Read More:  Police officer punched by student in Bacolod City

Umaasa rin ang alkalde na sa susunod na taon ay mas maraming aktibidad ang magawa sa pagdiriwang ng cityhood.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO