Mataas na Covid-19 vaccination rate sa Legazpi City, isang malaking akomplisyemento – Cho

LEGAZPI CITY – Ipinagmamalaki ngayon ng City Health Office (CHO) Legazpi na tanging ang nasabing lungsod lamang ang nakakuha nang mataas na vaccination rate sa Bicol Region.

Ayon kay City Health officer Dr Fullbert Gillego, maituturing na isang malaking akomplisyemento ng kanilang tanggapan ang pagtaas sa record ng nababakunahan sa mga barangay.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Batay sa datus, nasa 95.91% o 164 758 na ang fully vaccinated sa lungsod.

Sa single dose ay mayroon ng 106.93% o 183, 673 ang kanilang nabakunahan na.

Aniya, dahila kung bakit nakuha ng ahensya ang mataas na vaccination rate ay dahil sa pakikipagpartner sa mga stakeholders tulad ng private hospital, paaralan, Malls at iba pa upang mapabilis ang kanilang pagbabakuna.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Binigyan diin din nito, kung walang partner ang lungsod ay maaaring mahirapan din ito sa pagpapatupad nang pagbabakuna sa lahat ng priority group.