Undas 2024 – naging mapayapa

Nananantiling mapayapa ang paggunita ng Undas sa buong bansa.

Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo, wala pang naitalang untoward incidents hanggang kaninang umaga.

Sa kabuuan nasa 39,593 mga pulis ang nakadeploy sa mga strategic places at places of convergence.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Maliban dito, mayroon ding mga nakakalat sa mga tourist spots at mga pulis na patuloy na nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Kristine at Leon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Paliwanag ni Fajardo, mananatiling nakabantay ang Pambansang pulisya hangga’t makabalik na sa kalakhang Maynila ang mga nagsipagbakasyon sa mga lalawigan ngayong Undas.

Nananatili namang naka-heightened alert ang buong pwersa ng PNP ngayong Undas.