Tinatayang umabot sa halos 1.6 milyon na katao ang bumisita sa mga pangunahing sementeryo sa Maynila kahapon, November 1, para sa paggunita ng Undas ngayong taon.
Sulat ng Manila Police District, nasa 1,095,000 ang nagtungo sa Manila North Cemetery, habang 438,000 naman ang dumalaw sa Manila South Cemetery.
Umabot sa 49,300 ang mga bumisita sa La Loma Cemetery at 6,100 naman sa Chinese Cemetery.
Kaugnay nito, nananatiling mapayapa ang paggunita ng Undas ngayong taon.
Ayon sa PNP, wala silang nakikitang banta sa seguridad sa buong panahon ng Undas.