Unang Simbang Gabi sa Cauayan City, payapang naidaos

Maayos na naidaos ang unang pagsasagawa ng tradisyunal na Simbang Gabi sa Our Lady of the Pillar Parish Church sa lunsod ng Cauayan bilang bahagi ng pagdiriwang sa Pasko 2021.

Ito ang inihayag ni POSD Chief Ret. Col. Pilarito Mallillin sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, bagaman hindi naiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa unang Misa De Gallo ay maayos at payapa namang naidaos ang Misa.

Inasahan na nila aniya ito kaya naman una nang napagkasunduan ng POSD at pamunuan ng Our Lady of the Pillar Parish Church na huwag ng pahintulutan na pumarada sa compound ng simbahan ang mga sasakyan.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Tinatayang libo aniya ang pumunta kaninang madaling araw sa simbahan kung saan mula sa loob hanggang sa bungaran nito ay napuno ng mga dumalong mananampalataya.

Bagaman hindi aniya pinagbabawalan na magsimba ang mga hindi pa bakunado at hindi maiwasang dumalo ang mga matatanda ay mas mainam na tumanggap ang mga ito ng bakuna bilang proteksyon nila sa banta ng COVID-19.

Ayon pa kay POSD Chief Mallillin, sinisikap namang maipatupad ang minimum public health standards sa buong panahon ng Misa.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Pinayuhan din ang ibang deboto na maaaring dumalo na lamang ang mga ito virtual sa telebisyon sa pamamagitan ng cable channel live streaming.

Bukas ay inaasahang dagsaan din ang dadalo sa Simbang gabi kaya naman plano na umano nilang lahat ng compound sa quadrangle hanggang sa rightwing ng kumbento ay gagamitin upang maakomoda lahat ng mga dadalo.

Samantala, nagpaalala rin ang pamunuan ng simbahan sa mga church goer na importanteng sumunod sa health protocols upang makapag-ingat mula sa COVID-19.