Distribusyon ng bayad-pinsala sa mga ASF affceted farmers sa Cagayan Valley, natapos na

Nakumpleto ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 ng distribusyon ng indemnification claims sa lahat ng mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa lambak ng Cagayan.

Magugunitang target ng kagawaran na maipamahagi ang bayad-pinsala sa lahat ng mga magsasaka sa rehiyon bago magpasko.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Nitong December 15, 2021 lamang ay naibigay na ng DA RFO 2 Regulatory, Cashiering Unit at LGU ang 7.8 million pesos sa lalawigan ng Quirino.

Iniahyag ni Dr. Manuel Galang ng Regulatory Division at ASF Regional Focal Person n amula April noong nakaraang taon ay umabot sa P237.8 million ang naipamahagi sa 8,362 hog raisers para 47,574 na na-cull na baboy dahilan upang labis na naapektuhan ang hog industry sa rehiyon.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Samantala, natapos na rin ang isinagawang sentinelling sa mga pink area sa Quirino, Nueva Vizcaya, Isabela at Cagayan kung saan namahagi ang DA ng biik, feeds at gamot sa mga piling benepisaryo.