Dinagat Island, umapela ng karagdagang tulong mula sa national government

Umapela ang lokal na pamahalaan ng Dinagat Island ng tulong mula sa national government sa gitna ng banta ng Bagyong Odette.

Sinabi ni Governor Arlene Bag-ao na nangangamba sila para sa kanilang sitwasyon lalo na’t malambot na agad ang kanilang lupa bago pa man nakarating sa kanila ang bagyong Odette.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

Ipinunto ng opisyal na dalawang linggo na kasi umuulan sa kanilang lugar.

Dahil diyan ay sinabi ng gobernador na kailangan nila ang tulong ng national government, at pati na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang madagdagan ang kanilang relief goods para sa mga residente sa susunod na tatlong araw.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat