Unang human case ng bird flu, kinumpirma ng WHO

Iniulat ng World Health Organization (WHO) ang pinakaunang laboratory-confirmed human case ng influenza A(H5N2) virus o bird flu.

Ang indibidwal na tinamaan ng nasabing sakit ay isang 59-anyos na lalaki sa Mexico.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Namatay ang biktima noong April 24, 2024, matapos ma-admit sa ospital noong April 23.

Nakitaan ito ng lagnat, hirap sa paghinga, diarrhea at nausea; at may record din ng chronic kidney disease, type 2 diabetes, at systemic arterial hypertension.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Matapos ang mahabang laboratory test, iniulat ng Mexico sa United Nations ang pagkakumpirma sa laboratory-confirmed human case ng bird flu.

Samantala, binigyang-diin ng WHO na walang banta ng malawakang pagkalat ang nasabing sakit.