Boston tinambakan ang Dallas sa Game 1 ng NBA Finals

Tinambakan ng Boston Celtics ang Dallas Mavericks para kunin ang Game 1 ng 2024 NBA Finals, 107-89.

Lumamang nang hangang 29 points ang Celtics sa second quarter at mula dito ay hindi na nilingon ng home team ang Dallas.

Sinubukan pang humabol ng Maverick sa ikatlong bahagi ng laro matapos mapababa ang lamang sa walong puntos.

Read More:  TNT Tropang 5G dominate Macau in 55-Point Governors’ Cup rout

Subalit muling uminit si Kristaps Porziņģis na humakot ng kabuoang 20 points, 6 rebounds para tuluyang ibaon ang visiting team.

Nanguna sa panalo si Jaylen Brown at 22 points, 6 rebounds, 2 assists habang nag-ambag si Jayson Tatum ng 16 points, 11 rebounds, 5 assists: Kristaps Porziņģis – 20 rebounds, 6 rebounds

Read More:  PSC to discuss penalties for online resale of athletes’ Asian Games gear

May 30 points, 10 rebounds naman si Luka Dončić para sa Dallas habang si Kyrie Irving ay nagtala ng 12 points at 3 rebounds.

Gaganapin ang Game 2 sa darating na Lunes, sa home court pa rin ng Boston.