SORSOGON CITY – Suspendido ang unang araw ng eskwela sa isang paaralan sa bayan ng Juban dahil sa baha na dulot ng malakas na pag-ulan kahapon, Agosto 22.
Ang Biriran Elementary School sa nasabing barangay ay nakaranas ng pagbaha dulot ng malakas na ulan na sanhi naman ng extension ng bagyong Florita at ng malaks na hanging habagat.
Bunsod nito, nag-isyu ng EO #9 ang opsina ng alkalde na si Gloria Alindogan, dahilan naman para abisuhan ng school Principal ng nasabing paaralan ang mga magulang ng bata na suspendido muna ang unang araw ng pasok sa kanilang eskwelahan.
Kinumpirma naman ito ng Mdrrmo Juban at ayon dito ang baha ay bumaba na o nag-subside na dakong hapon, kahapon.
