Alert level status ng Bulkang Bulusan ibinaba na sa Alert Level 0 mula sa Alert Level 1

SORSOGON CITY – Ibinaba na sa Alert Level 0 o Normal mula sa Alert Level 1 o Low-Level of Unrest ang estado ng Bulkan Bulusan.

Batay ito sa inilabas na Bulusan Volcano Bulletin ng DOST-PHIVOLCS. Pinagbasehan ng ahensya sa pagbabalik sa normal na status ng bulkan ang pagbaba ng mga volcanic activities nito sa nakalipas na mga linggo simula ikatlong linggo ng buwan ng Hulyo.

Indikasyon na ang rock-fracture sa loob ng edipisyo ng bulkan na nauugnay sa mababaw na hydrothermal na aktibidad ay nabawasan. Bumaba na rin ang mga dating naeerehistrong Volcanic Earthquake Activity sa paligid ng bulkan at katamtaman na ang hydrothermal activity nito indikasyon na mababa na ang posibilidad na pumutok ito  sa mga susunod na araw.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bukod pa rito ang Sulfur Dioxide emission nito sa peryodo mula July 25 hanggang August 6, 2022  ay 230 tonnes na lamang bawat araw mula sa dating 1,900 tonnes bawat araw sa peryodo ng June 5 hanggang June 12, 2022.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Gayunpaman, kung sakaling magkaroon ng panibagong pagtaas sa alinman sa isa o kumbinasyon ng monitoring parameters, ang status ng alerto ay maaaring itaas muli sa Alert Level 1.

Mahigpit na binabantayan ng DOST-PHIVOLCS ang kalagayan ng Bulusan Volcano at anumang bagong development ay ipaparating sa lahat ng kinauukulan.