Unang araw ng pagrerenew ng business permits sa lungsod ng Legazpi, dinagsa

Unang araw pa lamang ay dinagsa na ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) Legazpi dahil marami ang kumuha o magrerenew ng kanilang business permits.

Ayon kay Siony Calleja, BPLO head, kahit mayroong ng schedule ang mga barangay sa pagkuha o pagproseso ng kanilang permits ay marami pa rin ang magsisipagpuntahan dahil na rin sa dami ng negosyo sa kanilang barangay.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Hindi na umano ito bago sa kanila sapagkat taun-taon ding ginagawa ang pagkuha ng nasabing permits.

Dagdag pa nito, dalawa o tatlong barangay sa dalawa o tatlong araw na schedule ang ibinigay para sa pagproseso ng permits.

Aabutin umano ng dalawang buwan ang scheedule para ubusin ang pitumpung mga barangay sa pagkuha at pagrenew ng mga ito.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sinabi pa ng opisyal, hindi lamang ang mga negosyante ang kumukuha ng permits, kundi maging ang contractors ay kukuha rin. Nilinaw din nito na hindi kasama ang contractors sa schedule kung kaya’t maaari silang magtungo sa opisina araw-araw para sa pagkuha ng mga permits.