KORONADAL CITY – DINAGSA ng mga mag-aaral sa ilang mga central schools sa lungsod ng Koronadal at sa buong SOCCSKSARGEN Region ang unang araw ng klase ngayong araw.
Ito ang base naman sa antisipasyon ng Department of Education o DepEd-12. Matagumpay naman ang sistema na naisagawa ng mga paarala base direktiba ng DepEd Central Office.
Sa mahigit 600,000 na mga mag-aaral sa buong Rehiyon-12, target ng DepEd na masagot at mailatag ang mga learning outcomes at outputs para sa lahat ng mga learners.
Ang mga kabataang ito ay nakalista sa ahensya kung saan ito ay nakalatag ding mga learning materials para sa mas maayos na pagsisimula ng pasukan.
Ayon sa DepEd, nasa adjustment period pa sa ngayon ang lahat kung saan kanilang ino-obserbahan ang mga bagay na dapat gawin at baguhin para sa maayos na takbo ng school year 2024-2025.
Nanananwagan din ang ilang mga local schools na tangkilikin na lamang ang pagpapa-enrol sa malalapit na mga paaralan upang maabot ang target na decongestions sa malalaking mga eskwehalan.
