Bilang ng namatay sa Camarines Norte dahil sa rabies tumaas noong 2021

CAMARINES NORTE – Tumaas ang bilang ng mga namatay sa Camarines Norte dahil sa rabies noong 2021.

Ayon sa Department Health, nakapagtala ang lalawigan ng limang kaso ng human death kumapara sa apat noong 2020.

Nasa 9, 408 naman ang bilang ng bite cases  kumpara sa 6, 362 noong 2020.

Pumangatlo ang lalawigan sa mga probinsiya sa Bicol sa maraming bilang ng animal bite at human deaths.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang rabies ay isang nakamamatay na viral infection na naikakalat ng hayop na infected nito.

Kabilang sa mga sintomas ng rabies ay ang pananakit ng ulo, lagnat, pananakit at pamamanhid ng nakagat na parte ng katawan, delirium, paralysis, at muscle spasms.

Kaugnay nito ay ipinapalaganap ng DOH ang responsible pet-ownership para maiwasan ang pagkalat ng rabies.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga may ari ng aso at pusa ay hinihikayat na pabakunahan ang kanilang mga alaga kontra rabies.

Sa ilalim ng Anti Rabies Act of 2007, kinakailangang naka-leash o may tali ang aso kapag inilalabas ito sa kalsada.

Obligado ring ipabakuna ng may-ari ang kaniyang alaga laban sa rabies.

Ngayong Marso ay Rabies Awareness Month na layong lumikha ng kamalayan hinggil sa responsableng pag aalaga ng hayop.