Unang araw ng COC filing sa COMELEC Camarines Sur naging maayos

NAGA CITY- Naging maayos ang unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections  (COMELEC)- Camarines Sur.

Maagang naghain ang ilang mga aspirante at re-eleksyonista sa pagkaboard members, maging Congressman. Kasama sa mga naghain ng COC ang mag-aamang Villafuerte, kakandidato sa pagkagobernador muli si National Unity Party President and Camarines Sur 2nd District  Rep. LRay Villafuerte, sasabak naman sa 2nd District si Gov. Luigi, sa 5th district ang incumbent,  Congressman Migz.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kasama sa paghahain ng kandidatura si incumbent 1st District Rep. Hori Horibata,  gayundin ang aktor na si Marco Gumabao sa ika-apat na distrito, na makakatunggali ng baguhan sa political areana ang matagal na sa pulitikang si Cong. Arnie Fuentebella.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Naroon sa palibot ng COMELEC ang mga pulis, ayon kay COMELEC Officer Atty. Noriel Badiola, nakapag request sila ng mga otoridad para sa mga opisina sa mga bayan kahit na nga ramdam nilang payapa naman ang COC filing.