NAGA CITY – Pansamantalang naka-hold ngayon ang request ng Naga City Bicycle Board para sa charging station sa mga e-bike sa lungsod, maging ang transaksyon sa pagkuha ng lisensya, plate number at sticker ay pinatigil din.
Ayon kay Jonathan “Boboy” Hernandez, Head ng NCBB, ito ay matapos na kontrahin sa ginawang hearing ng ilang sector lalo na sa transport; tricycle, pedicab at iba pa, na ang ibang Konsehal ay hindi pa sang-ayon. Reklamo kasi ng ilang driver na kung lalagyan ng nasabing proyekto, mas marami ang bibili ng e-bike, mas bababa ang kita na hindi rin dapat pagbawalan ang mga nais na bumili nito lalo na kung nagagamit para sa pamilya at malaking katipiran na rin.
Dagdag pa ng opisyal ang dapat na gawin ng nasa transport lalo na ng mga tricycle, pagandahin ang serbisyo dahil karamihan ng may mga e-bike ay senior citizen, may kapansanan na apektado at nakaranas ng double charging at pamimili sa pasahero. Isa pa, aayusin naman ang sistema upang hindi maging sagabal sa trapiko, lalo na mahalaga rin na may lisensya, plate number at sticker bilang madaling mahanap kung may mga aksidente.
Sinabi naman ni City Councilor Jess Albeus na isa sa hindi pa sang-ayon, hindi sa pagkontra kaya lamang ay nirereview muna nila at hinahanapan ng magandang design, mas mura at maayos na lokasyon.
Kung saan sa ngayon dadaan pa sa susunod na committee hearing at maghihintay ang opisina sa desisyon na tuloy pa rin ang pagpaparehistro.