PNP at sundalo nagmamantine ng seguridad sa COC filing sa Naga City

NAGA CITY – Ipinatupad ng Naga City Police Office ang direktibang inilabas ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil na maglatag ng seguridad sa paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato sa mangyayaring 2025 Mid-term Elections na nagsimula na kahapon, Oktubre 1.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa paligid ng COMELEC-Naga naramdaman ito kahapon dahil sa presensiya ng mga pulis katuwang ang mga sundalo mula pa sa 9th Infantry Division Phil Army sa kabila naman na tahimik naman ang lungsod mula pa noon hanggang ngayon tuwing dumarating ang halalan.

Paliwanag sa Brigada News FM Naga ni PLt.Col.Chester Pomar, NCPO – Spokesperson na mananatili ang kanilang tropa sa paligid ng COMELEC Office hanggang sa matapos ang COC filing sa Oktobre 8, na hindi lang pagbibigay ng seguridad sa publiko ang layunin nila kundi ang magbigay na rin ng agarang tulong sakaling magkaroon ng problema o anumang insidente sa paligid.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan