Unang araw ng COC filing, lumarga na

Lumarga na ngayong araw ang first day ng filing ng certificate of candidacy o ‘yung COCs para sa mga tatakbo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Maaga pa lang ay pumila na ang mga kandidato, kasama ang kanilang mga supporters sa tanggapan ng mga Commission on Elections (COMELEC) sa iba’t ibang mga LGUs sa bansa.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kaugnay nito – sinabi ni COMELEC chairperson George Garcia na kuntento sila sa naging takbo ng unang araw ng COC filing.

Sa kabila nito, nagpaalala pa rin si Garcia laban sa mga kandidatong magsusumite ng mga pekeng dokumento para sa COC.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Pinaalalahanan din ng poll body chief ang mga kandidato na huwag nang magdala’t magtawag ng maraming supporters kasabay ng pagfa-file nila ng mga kandidatura.

Bago ito, una nang sinabi ng COMELEc na inaasahang aabot sa mahigit-kumulang 40,000 ang maghahain ng mga COCs ngayong araw.