Nakapagbahagi na ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ng 243 Family Food Packs (FFPs) na nagkakahalaga ng P127,566 sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nasa 166 FFPs ang naipamahagi sa Cagayan at 77 naman ang naibigay sa Isabela.
Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang monitoring at coordination measures ng kagawaran sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon dos dahil na rin sa pananalasa ng Bagyong Goring.
Batay naman sa datos ng DSWD at Office of Civil Defense, nagkaroon ng insidente ng pagbaha sa mga bayan ng Lal-lo, Abulug, Pamplona, Ballesteros, Lasam, Solana, Aparri at Tuao.