Nanawagan si UN Secretary-General Antonio Guterres ng tigil-putukan sa Sudan.
Mahigit 300 katao na ang napatay mula nang sumiklab ang bakbakan noong Sabado sa pagitan ng pwersa ni Abdel Fattah al-Burhan ng Sudan’s military at si Mohamed Hamdan Dagalo ang commander ng paramilitary Rapid Support Forces.

Nagaganap ang pinakamatinding labanan sa Khastoum capital na may populasyon na limang milyon katao.
Karamihan sa kanila ngayon ay nananatili sa bahay nang walang kuryente, pagkain o tubig.
Bukod sa UN, iba’t-ibang world leaders na rin ang unang nanawagan ng kapayapaan sa bansa.//CA