Sisimula na ng International Court of Justice ang pagdaraos ng hearing upang desisyunan kung kailangan bang maglabas ng “provisional measures” kaugnay sa inihaing kaso ng Ukraine laban sa Russia na humihiling na ipahinto ang military action ng Moscow.
Itinakda ang pagdinig sa darating na Marso 7 hangang 8.

Sa isang pahayag sinabi ng UN court na nagpadala na ito sa Russia ng isang ‘urgent communication’ upang maghanda kung sakaling mag-utos ito ng mga ‘provisional measures’, o ‘immediate steps’, upang protektahan ang Ukraine, tulad ng hiniling nito.
Binigyan diin ng Ukraine sa kasong isinampa nito sa World Court na walang katotohanan ang pahayag ng Russia ang ginawang pagsalakay ng Moscow ay upang maiwasan ang isang genocide.
Magugunitang paulit-ulit na iginiit ni Russian President Vlademir Putin na ang Ukraine ay gumawa ng “genocide” sa rehiyon ng Donbass, at sinabi pagsalakay ng Russia ay isang “special operation” para mawakasan ito.