UN Chief: Hindi susuko na umapela ng ceasefire sa Gaza

Nangako si United Nations Secretary-General Antonio Guterres na hindi siya susuko na umapela ng tigil-putukan sa Gaza.

Hinimok ni Guterres ang Security Council na ideklara ang humanitarian ceasefire.

Sa kasamaang palad, nabigo aniya ang Security Council na gawin ang kanyang mungkahi.

Sang-ayon naman dito si United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East (UNRWA) chief Philippe Lazzarini na makataong tigil-putukan ang solusyon para matigil ang tila impyernong nangyayari sa mundo.