Umano’y utak sa pagpatay sa isang kapitan at asawa nito sa Tarlac, arestado

Arestado ng mga tauhan ng Criminal Investigation & Detection Group ang utak sa pagpatay sa Barangay Chairwoman ng Plastado, Gerona, Tarlac na si Editha Zarzuela at kanyang asawang si Edgar Zarzuela nuong November 30, 2023.

Ayon kay CIDG Director, PMGen Romeo Caramat isinilbi ng CIDG ang search warrant laban kay Jessie Mendoza kahapon sa kanyang tahanan sa Gerona Tarlac dahil sa paglabag sa R.A 10591 at RA 9516.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sinabi ni Caramat, itinuro ng naarestong gunman na si Marlon Cunanan si Mendoza kung saan sya dito nya mismo itinurn over ang baril at motorsiklo na ginamit sa krimen.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Nabatid na ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima ay dahil kakumpetensya nito ang suspek sa pagbebenta ng lupa sa kanilang lugar.

Nakuha sa pag iingat nito ang calibre .45 pistol, mga live ammunition, granada at iba pa.