Apat, patay sa sunog na sumiklab sa Bacoor City, Cavite

Hindi bababa sa 100 pamilya ang apektado matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Talaba Dos sa Bacoor, Cavite ngayong Biyernes ng umaga.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon sa Bacoor Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas dos ng madaling araw.

Apat ang napaulat na namatay na pawang mga menor de edad at magpipinsan habang isa pang bata ang hinahanap na kaanak din ng mga nasawi.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa ngayon, tumutuloy muna sa Talaba Elementary School ang mga nasunugan, na umaapela ng dagdag na tulong.