Nakitaan ng extensive digital manipulation ang ‘di umano’y “pulvoron video” ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ang lumabas sa pagsusuri ng Deepfakes Analysis Unit na isang India based Misinformation Combat Alliance, na dumaan din sa verification ng VERA files na isa ring fact-checker sa bansa.
Gamit ang tool na SensityAI, nakita ng DAU na gumamit ng face swap sa pulvoron video.
Ginamitan din ito ng ibang tool na HIVE kung saan nakitang meron itong “multiple points of manipulation sa run time ng video, kung saan nag-overlap ang no deepfake at deepfake manipulation.
Ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, pinatunayan ng mga pagsusuri na walang katotohanan ang ipinakalat na malisyosong video ng mga indibidwal na balak raw siraan ang Pangulo at dungisan ang kanyang pagkatao.
Maaalalang una nang pinasinungalingan ng Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang authenticity ng video, kung saan ang facial image ng lalaking nasa pulvoron video ay hindi nag ma-match sa facial feature ni Pangulong Bongbong Marcos.