Umano’y pangingikil ng PNP-ACG, nais ipasilip ni Sen. Tulfo

Nais paimbestigahan ni Senador Raffy Tulfo ang ‘di umano’y extortion ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa mga na-rescue na foreign nationals sa ni-raid na POGO hub sa Las Piñas.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Tulfo na nakatanggap siya ng impormasyon na nanghihingi ‘di umano ng pera ang ACG kapalit ng pagre-release sa mga na-rescue na workers dito.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang siste – bago raw i-release ang mga foreign nationals ay kinakailangan na muna nilang magbayad, at depende pa sa ranggo nila sa POGO.

Sabi ni Tulfo, may iilang hingan ng hanggang sa P250,000 lalo na kung may posisyon sila sa kumpanya.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Inisa-isa rin ng Senador ang iba pang irregularities sa operasyon, kagaya na lang ng bigong pakikipag-cooperate ng ACG sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ).

Imbis daw na Immigration o IACAT ang tawagan ay nauna pa raw kausapin ng ACG ang mga embahada.