Binuwag na ng Philippine National Police ang binuong Special Investigation Task Group o SITG 990.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., pagtutulungan na ngayon ng PNP at NAPOLCOM ang imbestigasyon sa pinagmulan ng P6.7 bilyon na halaga ng shabu na nakumpiska ng mga awtoidad sa Maynila noong October 2022.
Sinabi ni Acorda, nakapagsampa na sila ng 69 na kaso laban sa ilang mga pulis na isinasangkot sa cover up ng shabu operation.
Kabilang na rito ang mga police officials na sina PLt.Gen. Benjamin Santos Jr., na siyang dating deputy chief for operation , PBGen. Narciso Domingo, dating PDEG chief at si dating police master sergeant Rodolfo Mayo na naaresto sa naturang drug raid.