SONA ng Pangulo, hindi dapat puro MIF! – Pimentel

Nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel II sa Pangulo na pagtuunan muna ng pansin ang pagtugon sa mga mabibigat na isyu ng bansa sa nalalapit nitong State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Pimentel, huwag puro Maharlika Investment Fund ang pag-usapan dahil may ilan pang isyu na nangangailan ng agarang tugon katulad ng krisis sa tubig at El Niño na lubos na makakaapekto sa mga magsasaka.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Dagdag pa niya, malaki na ang naging pinsala sa ekonomiya, negosyo, agrikultura, power generation, public health at likas na yaman ang mga nagdaang kakulangan sa tubig dulot ng El Niño.

Aabot din sa mahigit $3.3 bilyon ang maaring maluging GDP ng bansa ayon sa naging pahayag ng Union Bank of the Philippines, Chief Economist Ruben Carlo Asuncion kay Pimentel.

Ani Pimentel, pinakikita lang ng kasalukuyang sitwasyon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “proactive” at “preventive” measures upang mabawasan ang epekto ng krisis sa tubig at El Niño.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kaya naniniwala siya na importante lang na magamit ng Pangulo ang kanyang SONA upang ilatag ang mga “long-term strategies” at “sustainable solutions” nito laban sa pinsalang maaring maidulot ng El Niño.

Nanawagan naman din si Pimentel sa publiko na magtipid ng tubig at kuryente lalo na’t ngayong nasa kritikal na panahon ang bansa.