Iniulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na may ilang mga dayuhan na bumibili at umuupa ng lupa, na posibleng maging banta sa food security ng bansa.
Ito ay matapos manawagan ang isang Catholic bishop sa pamahalaan na imbestigahan ang mga foreigners na umano’y bumibili ng lupa sa Taytay, Palawan.
Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, hindi lang sa Palawan ito nangyayari.
Nakita rin umano nila na maging sa probinsya ng Nueva Ecija at iba pang probinsya na nagpo-produce ng bigas ay may ganito na ring insidente.
Paliwanag ngayon ng PAOCC – kung mga dayuhan ang magtatanim sa lupa, sila rin ang magkokontrol dito.
Kung lahat aniya ng pinagtataniman ng bigas ay inuupahan ng mga foreigners, sila na ang magko-control ng presyo ng bigas.
Ibig sabihin, posible na ring makontrol ng mga ito ang food security sa bansa.