Patay ang isang lalaki matapos itong tumalon mula sa truck na sinasakyan sa Barangay Sta. Catalina, Atimonan, Quezon nitong Martes, Hulyo 30.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nasira umano ang preno ng truck habang nasa pababang bahagi ng daan dahilan para mawalan ng kontrol ang driver saka sumalpok sa isang sedan.



Ayon sa driver, bago pa man sumalpok ang truck sa sedan ay tumalon umano ang 42-anyos na biktima na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Kaugnay nito, nagtamo rin ng mga injury ang dalawang sakay ng sedan at ang apat pa na sakay ng truck at kasalukuyan ng nagpapagaling.
Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa driver ng truck.