Umano’y most wanted person, huli sa Koronadal

KORONADAL CITY – ARESTADO ang isang magsasaka sa manhunt charlie operation na isinagawa ng mga otoridad kahapon ng hapon sa Purok Cadidang, Barangay San Jose, Koronadal City.

Kinilala ng Koronadal City PNP ang nahuling suspek na si Ain Mark Cerbas Cadungog, alias Ian Mark Cerbas Cadungog and alias “Monmon”, most wanted umano sa city level, 25-anyos, isang magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Inaresto ito sa kasong murder base sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 42, Koronadal City. Walang piyansang itinakda ang korte sa kaso nito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa ngayon, nasa kostudiya na ito ng Koronadal City PNP.