13 mga empleyado sa isang kompanya sa SBFZ isinugod sa hospital matapos makaranas ng panic attack dahil sa lindol

Isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital ang labing tatlong mga empleyado mula sa isang kompanya sa Subic Bay Freeport Zone kaninang umaga.

Ito ay matapos umanong makaranas ng panic attack dahil sa naganap na lindol na naramdaman rin sa lungsod at lalawigan.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel nagkaroon ng panic attact at anxiety ang mga pasyente dahil sa takot kung kaya ang iba dito ay nawalan ng malay.

Base sa pagsusuri ay nasa maayos naman na ring kondisyon ngayon ang mga pasyente at ang iba dito ay pinayagan na ring lumabas ng pagamutan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, personal namang pinuntahan ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino ang mga ito sa JLGMH kaninang umaga.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO